I wrote something last night…but just couldn’t finish it just yet…I’ll try to finish it tonight…

This is just crap..or is it not…fuck it..this makes me hope pa…

“If two people are meant for each other, it doesnt mean that they are meant for each

other NOW.”

~Pacey whitter “Dawson’s creek”

ANG TAMANG PANAHON

Nung first year highschool ako una ko siyang nakita. Napahinga pa nga ako ng malalim habang hinahawakan ang armchair ng mahigpit nung pumasok siya sa classroom. Wow, sabi ko sa sarili ko, Ito ang lalaking magpapamemorable ng life ko. At naging siya nga.

So, ayun nagkakilala kami. “O eto si ..” sabi ng common friend namin ako naman si ” Ay, Nice to meet you.. “( kunwari pa kong di alam ang name nya eh ultimo kung saan siya may nunal sa katawan eh alam ko na) with matching pa cute na smile at looking at him from head to toe. Na amazed pa nga ako kasi ang linis-linis nya at humahalimuyak ang pabango nyang Hugo Boss.. Aaah!!! Pwedeng-pwede!! Ngumiti lang siya sa akin with matching takip ng panyo sa mouth niya. Aba, mahiyain… hmm….Teka…

Ayun naging friends kami. Tawagan sa phone, text sa cellphone exchanging sweet messages throughout highschool. Hanggang naramdaman ko na lang nung isang araw… Yak.. inlove na yata ako!! Hindi naman pwede kasi may nililigawan siya, at nung binasted siya, may

niligawan na naman siya at syempre ako hindi man lang niya ako niligawan. Siguro kasi pag niligawan niya ako wala ng challenge!!! At parang ako na ang nanligaw! Kasi naman lagi ko siyang binibigyan ng gifts pag may occasion basta kung anu-ano ang binibigay ko sa kanya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit pero napansin ko ni balat ng candy wala siyang binigay sa akin.. kung meron man eh isang ½ crosswise na paper na sapilitan ko pang hiningi ka sa kanya para naman may remembrance ako nung minsan naging magkaklase kami.

Pero in fairness sinayaw naman nya ako nung 2 proms namin. Nandun yung hinawakan nya yung kamay ko papunta sa dance floor infront of everybody na halos mapaiyak ako sa sobrang saya at naisip ko na lang na ayokong matapos ang gabing yun. Sa dami ng papagdaanan ko nung minahal ko siya, napagod na rin ako nung may niligawan uli siya.

Hindi na ko makatiis hanggang nung Graduation namin inamin ko sa kanya na mahal ko talaga siya since first year. Wala akong pakialam kung anong isipin nya basta ang alam ko kailangan ko na sabihin dahil baka hindi na kami magkita. Nakatingin lang siya sa akin huminga sya ng malalim at bigla niyang sinabing.. ” Kasi… ano…Friends lang talaga eh.” sh*t!!!! Nanlaki ang mata ko non tapos bigla na lang ako tumawa ng malakas “Sabi ko nga eh. Hahaha!” with matching hampas pa sa braso niya. Tapos non eh pinilit ko siyang kalimutan.

Nag college na ko maraming cute pero …. Haaay…. Wala pa ring maka higit sa kanya. May nanligaw naman sa akin nung mga time na yun, Isang cute na fil-am, yung coño kong friend at isang cute na guy na mas bata sa kin ng 3 yrs kaya lang hindi ko sila maiwasang I compare sa kanya. Bakit siya cute sya ngumiti? Bakit siya ang napapangiti niya ako ? Sasagutin ko na sana yung isa dahil hindi na ito normal! Goodluck! Hindi ko pa rin kaya! Bigla kong naisip na KUNG HINDI LANG SIYA.. WAG NA LANG. Naisip ko na minsan lang pala ako umibig.Naisip ko na sa isang lalaki ko lang pala gagawin yung

mga kagagahan at kamamasangan ko. Siya lang talaga ang hinihiyaw ng puso ko. Haaay.. nakakainis!!!

Anyway, hindi ko na siya nakita for 5 years, pero nababalitaan ko pa rin yung mga nangyayari sa kanya. Gumraduate na siya.. (Uuuy, Congrats!), May trabaho na siya ( Goodluck sa job!) May girlfriend na siya ( I’m happy for you…waaah!) at kung anu-ano pa . Tutal naman may career na ko and the money’s good at naalagaan ko yung parents ko and I can hang-out with my friends kaya okay lang pero… parang kulang pa rin

dahil naiisip ko pa rin siya. Mas mabuti na rin yung ganito kasi ayun nga sa kanta ” I’ll know I’ll never love this way again” hindi na ko makakapagmahal ng todo-todo na umaapaw uli sa isang lalaki.

Isang hapon habang nagdadrive na ko pauwi napasabak pa ko sa traffic. Napatingin ako sa kanan ko sa katabi kong car. Napansin ko pa nga yung kamay ng driver. Naalala ko yung kamay nung minahal ko sa sobrang kakatsansing sa kamay non eh syempre sinong di

makakamemorize non noh! Anyway, tumingin na ko sa highway. Grabe traffic pa rin!! Birthday pa naman ng friend ko nung highschool at excited na kong makipagtsismisan. Pagtingin ko uli sa kanan sa mamang may cute na kamay eh bigla akong nagulat nakatingin pala sa akin yung driver. Ako naman tong si iwas. After kong nabigo sa pag-ibig nung highschool eh nagsusuplada na ang lola niyo.

After ng matagal na traffic eh nakarating na ko sa party ng friend ko syempre walang humpay na tsismisan at tawanan at balitaan sa mga buhay-buhay namin. Biglang may dumating na car na parang familiar sa akin tapos biglang bumaba yung tao sa loob .. Biglang may nagsalita sa likod ko ” Hoy, pare!! Ang tagal mo!” bigla siyang nagsalita with matching punas ng panyo sa noo. ” Traffic eh.” With matching ngiti at humalimuyak na naman ang Hugo Boss sa ilong ko.

O, HINDEE!! ANG LALAKING NAKASABAY KO SA TRAFFIC NA MAY MAGANDANG KAMAY……

Biglang sabi ng friend ko sa kanya ” Teka naalala mo pa ba si…?”

AY WALANG IBA KUNG HINDI ANG TANGING LALAKING MINAHAL KO ALL MY LIFE.

Gusto kong magpalamon sa lupa, magpakalunod at sakalin ang friend ko sa sobrang hiya. Hindi pa ko handang makita siya!!!

Bigla siyang tumingin sa akin at sinabing.” OO NAMAN. ALALANG-ALALA.”

Whaaat?? Ano uli???

Naalala nya pa ko!!!

At ang hayop kung kaibigan ay iniwan kaming dalawa. Ayun, tanong sya sa kin ng tanong sa buhay ko. Nag-alok siayng ihatid ako sa bahay sabi ko may car ako. Tumawa siya at sabi niyang “Oo nga ikaw nga yung nakita ko sa traffic!!”

Lagi niya akong sinusundo sa office ko, nagdidinner din kami at syempre tinatawagn niya ako sa bahay ko gabi-gabi. Hindi ko alam pero parang bumaligtad yata ang mundo!

After 2 months, naging kami.

After 1 year, nagpakasal na din kami.

Before kaming ikasal sinabi niya sa akin

” Naalala mo nung gumraduate tayo at pinagtapat mo sa akin na mahal mo ko?” Namula na lang ako bigla at nag joke ” Ah.. yun? Bata pa ko non!”

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at sinabing ” Hindi na tayo bata non. Mas pinili kong makakilala ng mga maling babae kesa maging tayo sa maling panahon na hindi pa tayo handa. Unang kita ko pa lang syo, narandaman ko na ikaw na ang babaeng para sa akin”

Napatingin muna ako sa kamay niya na buong highschool kong pinagnasaan at sa mukha nya. Ano ba to!! Naiiyak ako kasi naiiyak din siya. Totoo ba ito?

At naramdaman ko ang yakap sa amin ni LORD…Kami nga talaga para sa isa’t isa

At ito na nga ang tamang panahon…ü

“Sometimes letting go is the only way to move forward…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: