kahit anong kikim mo pala dadating at dadating din ang oras na babagsaka ka nalang. na hahagulgol ka nalang. na iiyak mo lahat ng sama ng loob na naramdaman mo.
dumating nga yung araw na yun. ayun parang dumating si Milenyo.
nakakasama ng loob. nakaka stress. nakakapang galaiti sa galit.
ganito pala ang feeling ng natraydor. ganito pala ang feeling ng iniwan. ganito pala ang feeling na pinasahan ng lahat ng responsibilidad ng wlang tulong man lang habang nakikita mo na ang dapat mong katutulong e nagbubuhay mayaman.
nakapanlulumo.nakakapagod.nakakaiyak.
ayoko na. para sa anak ko. para sa anak mo. ayoko na. wag sana dumating ang panahon na gabain ka ng karma. wag sana dumating ang araw na magsisisi ka sa lahat ng pasakit na binigay mo sa akin at sa anak ko…dahil pag dumating yun…luluha ka ng dugo . sumpa na kung sumpa. masama na kung masama. hindi ako ang nagsimula. hindi ako ang may atraso. wla akong naging kasalanan sayo. naging mabait ako. ako ang nawalan. ako ang naatraso pero naisip mo ba yon? malamang sa malamang hindi. minsan lang ako magalit. minsan lang ako magsasalita. minsan lang….matuto ka na sana magdasal.